Tuloy tuloy ang pagbibigay natin ng tulong sa mga labis na naapektuhan ng bagyong Maring. Pinangunahan ni Mayor Menchie C. Lomboy-de Guzman MD kasama ang mga opisyal at empleyado ng LGU, PNP, BFP, mga opisyales ang Barangay at ibang mga NGO.

Mula nung humagupit si Maring, maagap na nagpunta si Mayor Menchie sa mga barangay na binaha upang mabigyan ng ng foodpacks at makita ang kanilang kalagayan.

Nagpapasalamat ang ating Mayor sa mga nagbibigay ng tulong sa ating Bayan. Sa mga gustong tumulong maari lamang po makipag-ugnayan sa Office of the Municpal Social Welfare and Development Office sa numerong ito: 0917-843-2245.

Tulong tulong, at sama-sama tayong babangon, kailians!

Taos pusong pasasalamat sa lahat ng nagbigay at magbibigay pa ng tulong! Pagpalain nawa tayong lahat.